^

Police Metro

Lalaki timbogo sa P1-M ecstasy

Mer Layson - Pang-masa
Lalaki timbogo sa P1-M ecstasy
Sa ulat, dakong alas-2:20 ng madaling araw nang isagawa ang buy bust operation laban sa suspek sa Mother Ignacia, Avenue, Quezon City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng PDEA ang isang 38-anyos na lalaki sa isang buy bust operation at nakumpiska ang nasa P1-M halaga ng party drugs o ecstasy kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang suspek ay kinilalang si Carlo Santos, alyas Elmo, nakatira sa ML Quezon St., Bagungbayan, Taguig City.

Sa ulat, dakong alas-2:20 ng madaling araw nang isagawa ang buy bust operation laban sa suspek sa Mother Ignacia, Avenue, Quezon City.

Nabawi sa suspek ang 330 tableta ng ecstasy, 50 kapsula ng ecstasy,1,100ml ng liquid ecstasy at 300ml ng Wari Active Spray.

Nabatid na ang suspek ay sinasabing isa sa mga supplier ng party drugs sa ilang disco houses at night club sa Quezon City.

vuukle comment

ECSTASY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with