^

Police Metro

Pulis sa ‘Duterte’s list’ dedo sa buy bust

Joy Cantos - Pang-masa
Pulis sa �Duterte�s list� dedo sa buy bust
Sa ulat, bandang alas-2:10 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang anti-drug operatives sa Purok 9, Brgy. Tolosa, Cabadbaran City laban sa suspek na talamak na drug trafficker sa siyudad.
File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang aktibong pulis na nasa listahan ni Pangulong Duterte na sangkot sa illegal drugs matapos itong manlaban sa isinagawang drug buy bust operation ng kanyang mga kabaro kamakalawa ng hapon sa Brgy. Tolosa, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si PO1 Ric Lyndon Cena,aktibong miyembro ng Regio­nal Special Operation Group (RSOG) ng CARAGA PNP, nakatalaga sa Remedios T Romualdez (RTR) ng lalawigang ito.

Sa ulat, bandang alas-2:10 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang anti-drug operatives sa Purok 9, Brgy. Tolosa, Cabadbaran City laban sa suspek na talamak na drug trafficker sa siyudad.

Habang isinasagawa ang transaksyon ay nakahalata ang suspek na mga kapwa niya parak ang kaniyang ka-deal bunsod upang bumunot ito ng baril at paputukan ang mga ito.

Sa kasagsagan ng shootout ay tinamaan ang suspek na isinugod sa Cabadbaran Emergency Hospital, subalit idineklarang dead on arrival.

Narekober sa crime scene cal 9 MM pistol, limang piraso ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas, dalawang cellular phone, isang Honda motorcycle, dalawang piraso ng motorcycle plate numbers, isang piraso ng transparent plastic at apat na malalaking plastic ng shabu, sampung piraso ng plastic sachet ng shabu na nasa bulsa ng damit ng nasabing scalawags na parak at P1,500 buy bust money.

Ayon kay Chief Supt. Noli Romana, Director ng Police Regional Office (PRO) 13  ang nasa­wing si PO1 Cena ay isa sa nasa listahan ng Pangulong Duterte na mga pulis na sangkot sa illegal drugs na tumakas din nang magsagawa ng random drug test.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with