Ugnayan ng pulis at komunidad mahalaga kontra droga - Joy B
MANILA, Philippines — Inihayag ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na kahit na may mga ulat ang pagbaba ng krimen dahil sa kampanya kontra illegal drugs ay mahalaga ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng kapulisan, lokal na pamahalaan at komunidad para mas mapaigting pa ang kaligtasan ng mamamayan sa bawat lokalidad.
“According to data [from the police], all index crimes apart from murder ay bumaba, and so they feel that there’s really correlation between drug use and criminal activity in the city,” wika ni Belmonte.
Binigyang diin din ni Belmonte na ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat komunidad, lokalidad at pulisya ay may malaking ambag na matamo ang hangarin na mawalis ang problema sa illegal drugs.
Ipinaliwanag ni Belmonte, bilang pinuno ng Quezon City Anti-Drug Abuse and Advisory Council (QCADAAC) na bagamat nakatutok ang kapulisan sa pagpapatupad ng batas ang mandato naman ng konseho ay nakatuon sa anti-drug preventive education at rehabilitasyon, laluna sa mga kabataan ng lungsod.
- Latest