Wanted 4 ex-solons madarakip na
MANILA, Philippines — Malaki ang tiwala ng pamunuan ng PNP na hindi magtatagal ay babagsak na sa kamay ng batas ang mga wanted sa kasong murder na sina dating Bayan Muna partylist Reps. Satur Ocampo, Teddy Casiño, dating Anakpawis partylist Rep.Rafael Mariano at dating Gabriela partylist Rep. Liza Maza.
Ito ang inihayag ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Benigno Durana Jr., dahil sa may lead na sila kung nagtatago ang apat na dating mga militanteng solons.
Sinabi ni Durana na nagpakalat na ng tracker teams ang PNP upang arestuhin ang mga wanted na dating mambabatas para agarang ipatupad ang arrest order na inisyu ni Presiding Judge Evelyn Atienza Turla ng Regional Trial Court (RTC) Branch 40 ng Palayan City, Nueva Ecija.
“Meron ng mga tracker teams, for sure they have some leads that they are following in order to serve the warrant of arrest to arrest this former congressmen and current Secretary of NAPC”, pahayag ni Durana. Muli namang umapela si Durana sa dating mga solons na sumuko na lamang sa halip na hintayin pang maaresto.
- Latest