^

Police Metro

Pulis-Maynila itinumba ng tandem

Danilo Garcia - Pang-masa
Pulis-Maynila itinumba ng tandem
Batay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-3:35 ng hapon sa parking lot sa tapat ng Dampalit Cockpit Arena, Don Basilio Boulevard, Brgy. Dampalit ay sakay ang biktima ng kanyang Toyota Fortuner (AAJ 4865) kasama ang kaibi­gang si retired SPO1 Elmer Barola.
File

MANILA, Philippines — Malapitang pinagbabaril ng riding in tandem assassins ang isang aktibong pulis habang sakay ng kanyang sports utility vehicle (SUV) sa tapat ng isang sabungan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Manila Central University Hospital ay kinilalang si SPO2 Rodolfo Cruz Jr., 51, may-asawa, nakatalaga sa Manila Police District (MPD) at nakatira sa Sioson St., Road 26, Brgy. Dampalit, Malabon City.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-3:35 ng hapon sa parking lot sa tapat ng Dampalit Cockpit Arena, Don Basilio Boulevard, Brgy. Dampalit ay sakay ang biktima ng kanyang Toyota Fortuner (AAJ 4865) kasama ang kaibi­gang si retired SPO1 Elmer Barola.

Paalis na sana ng sabu­ngan ang dalawa nang lumapit ang isang lalaki sa gilid ni Cruz at ilang beses siyang pagbabarilin.

Mabilis na tumakas at sumakay ang gunman sa naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng isa pang lalaki at mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Obando, Bulacan.

Inilarawan ni Barola ang gunman na katamtaman ang katawan, nakasuot ng itim na sando, dark na shorts, itim na ball cap at may suot na face mask.

vuukle comment

TANDEM ASSASSINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with