^

Police Metro

P2-M reward vs 4 ex-solons

Mer Layson - Pang-masa
P2-M reward vs 4 ex-solons
Ayon kay Topacio, kung ang tingin ni Reyes sa pabuya ay ‘cheap’ lamang, ay maaari naman nila itong gawing P2 milyon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakatakdang itaas sa P2 milyon ang pabuya para sa ikadarakip sa apat na militanteng lider na nahaharap sa kasong double murder.

Ang pahayag ay ginawa ni Atty. Ferdinand Topacio kahapon bilang reaksyon sa pasaring ni Bagong Alyansang Ma­kabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes na ang iniaalok na P1 mil­yong pabuya ay isang PR gimmick at lame publicity stunt lamang.

Ayon kay Topacio, kung ang tingin ni Reyes sa pabuya ay ‘cheap’ lamang, ay maaari naman nila itong gawing P2 milyon.

“Kung para sa kanya ay cheap yung P1 million, gawin siguro nating P2 million, titingnan natin kung may magdo-donate,” anang abogado, sa pa­nayam sa radyo.

Magugunita na noong Sabado sa isang forum ay  inianunsyo ni Topacio ang P1 milyong reward para sa pag-aresto kina dating Bayan Muna Representatives Satur Ocampo at Teddy Casiño, Anakpawis partylist Rep., Rafael Mariano, at Liza Maza ng Gabriela.

vuukle comment

FERDINAND TOPACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with