^

Police Metro

Dalaga na bagong graduate utas sa 22 saksak

Cristina Timbang - Pang-masa
Dalaga na bagong graduate utas sa 22 saksak
Sa imbestigasyon ng pulisya na alas-4:15 ng madaling araw noong Miyerkules naganap ang krimen matapos na puwersahang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima nang sa mga oras na iyon ay natutulog katabi ang 8-anyos na pamangkin.
File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 20-anyos na dalaga na bagong graduate sa kolehiyo nang ito ay ataduhin ng saksak ng isang lalaki na pumasok sa kanilang bahay kamakalawa sa Brgy.Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Ang nasawi dahil sa tinamong 22 saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Shanmaine Pestaño, 20, residente ng Aqua St. Camella North Springville, Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya na alas-4:15 ng madaling araw noong Miyerkules naganap ang krimen matapos na puwersahang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima nang sa mga oras na iyon ay natutulog katabi ang 8-anyos na pamangkin.

Nabatid na sinira ng suspek ang bintana sa ikalawang palapag para makapasok sa loob at habang nililimas ang mga pera, alahas at cellphone ay naalimpu­ngatan ang biktima sa mga ingay.

Paglabas ng biktima sa silid ay doon na siya dinaluhong ng mga saksak ng suspek at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Sumuko na ang suspek na si Andrew Bagawasan, 23 na kakasuhan ng robbery with homicide.

vuukle comment

ATADUHIN NG SAKSAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with