Miyembro ng PDP-Laban na lalayas ‘di pipigilan
MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ni Sen.Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi pipigilan ng Partido Demoktratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang mga miyembro nilang aalis sa partido at balak sumanib sa Hugpong ng Pagbabago (HnP) na itinayo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ayon kay Pimentel na hindi sila maapektuhan dahil hindi naman nila pinilit ang kanilang mga miyembro ng sumali sa kanila at hindi nila pipilitin na manatili ang mga ito.
Idinagdag ni Pimentel na ang mga political parties ay binuo ayon sa “free association” kaya malayang umalis ang mga gusto ng umalis sa partido.
Lumutang ang ulat na may mga miyembro ng PDP-Laban na aalis sa partido matapos maagaw ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang posisyon ni dating Speaker Pantaleon Alvarez.
- Latest