^

Police Metro

16 drug suspect tiklo sa P9-M shabu

Cristina Timbang, Lordeth Bonilla - Pang-masa
16 drug suspect tiklo sa P9-M shabu
Nasa P 7 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa Quezon City at naaresto ang suspek na si Bryan Dudley “alias Bayan Taba”, 24, binata, ng #814 E. De Guzman St., Malibay, Pasay City kahapon ng alas-3:30 ng madaling araw sa panulukan ng University St. at Commonwealth Avenue, Brgy. San Vicente, U.P. Diliman, Quezon City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit P9 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa Quezon City, Pasay City at Bacoor  City, Cavite na ikinaaresto ng 16 na suspek.

Nasa P 7 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa Quezon City at naaresto ang suspek na si Bryan Dudley “alias Bayan Taba”, 24, binata, ng #814 E. De Guzman St., Malibay, Pasay City kahapon ng alas-3:30 ng madaling araw sa panulukan ng University St. at  Commonwealth Avenue, Brgy. San Vicente, U.P. Diliman, Quezon City.

Sa Pasay City ay nakumpiska ang nasa P1 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu mula sa 12 suspek kabilang ang anim na kababaihan.

Kinilala ang mga suspek na sina Jackielyn Reyes, 46; Sonia Cordal, 41; Maricris Alipio, 27; Rosemary Arevalo, 46; Marilou Malay, 46; Rowena Rodelia, 50; Van De Leon, 39; Joselito Elvina, 58; Miguel Acedello “alyas Jun”, 51; Darwin Castalone, 42; Michael Mendoza, 51; at Delfin Madeja “alyas Waway”, 27.

Naaresto ang tatlong drug pusher na kinilalang sina Ronel Exequiel, 35; Jackylyn Yosa, 37; at Vergilio De Mesa, 44; kapwa taga Las Piñas City sa isang buy bust operation kamakalawa ng alas-6:00 ng gabi sa tapat ng isang motel sa  Bacoor Boulevard, Brgy. Bayanan, Bacoor City, Cavite. Nakuha sa sasakyan ng suspek ang mahigit kumulang sa  151.3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon.

vuukle comment

BRYAN DUDLEY

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with