^

Police Metro

Pagpili sa susunod na chief justice itinakda sa Agosto

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa buwan ng Agosto itinakda ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagpili sa susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Unang deliberasyon ay idaraos sa darating na Agosto 3, kasunod ng inaasahang matatanggap na lahat ng JBC ang mga application at nominations para sa Hulyo 26, ang deadline ng pagsusumite nito para sa nabakanteng pwesto ni dating CJ Maria Lourdes Sereno na napatalsik ng quo warranto proceedings.

Ipatutupad din ang mandatory acceptance ng mga nominasyon sa nasabing posisyon, batay sa napag-usapan noong nakalipas na Biyernes, Hulyo 20 ng JBC na pinamunuan ni acting Chief Justice Antonio Carpio.

Ibig sabihin ay kaila­ngang tanggap ng kandidato o naka-attach ang “acceptance” bago ikunsidera ang pagiging nominado.

Hindi na umano iiral pa ang automatic nominations para sa limang most senior justices of the Supreme Court (SC) kaya’t ibinasura na ng JBC ang proposal ni retired Chief Justice Hilario Davide Jr. na otomatikong ikunsidera si Carpio para sa nasabing pwesto kahit hindi siya nag-aaplay.

vuukle comment

KORTE SUPREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with