^

Police Metro

Utak sa Mayor Bote murder, kinilala

Joy Cantos - Pang-masa
Utak sa Mayor Bote murder, kinilala
Kinilala ang utak sa pagpatay na si Christian Saquilabon, may-ari ng Forthright Construction, isang kontraktor ng mga proyekto ng gobyerno na tinukoy ng unang nasakoteng suspek na sina Flo­rencio Suarez at Ro­bert Gumatay na binayaran ng una para patayin si Mayor Bote.
Facebook/Mabuhay Papaya

MANILA, Philippines — Kilala at pinangala­nan na ng Phi­lippine National Police (PNP) ang utak sa pagpatay kay Ge­neral Tinio, Nueva Ecija Mayor Fernando Bote na isang public contractor at mahigpit na karibal sa negosyo ng alkalde.

Kinilala ang utak sa pagpatay na si Christian Saquilabon, may-ari ng Forthright Construction, isang kontraktor ng mga proyekto ng gobyerno na tinukoy ng unang nasakoteng suspek na sina Flo­rencio Suarez at Ro­bert Gumatay na binayaran ng una para patayin si Mayor Bote.

Magugunita na sina Suarez at Gumatay ay nasakote sa checkpoint sa Andaya Highway sa Brgy. Cabasag, del Gallego, Camarines Sur noong ­Hulyo 11 habang si Arnold Gambola, isang arkitekto ay sumuko naman sa mga otoridad.

Ang mastermind na si Saquilabon, Junjun Fajardo, isang spotter at dalawa pang John Does ay patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na binayaran ni Saquibon ng P 25,000 ang mga salarin upang paslangin si ­Mayor Bote na kari­bal nito sa cons­truction business ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Irrigation Administration (NIA) sa Nueva Ecija.

Ang pinakahuli sa proyekto ni Saquilabon ay ang  pagpapaunlad sa Minalunga Tourism Conservation Park sa General Tinio na nagkakahalaga ng P69-M na bagaman napagwagian ng una ay hinaharang umano ito ni Mayor Bote dahilan sa nasasakupan ito ng kaniyang bayan.

Una nang sinampahan ng kaso sina Suarez at Gumatay ng paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o ang Anti Firearms and Ammunition Act matapos na makumpiskahan ng mga eksplosibo, baril at mga bala.

Habang ang hindi pa naaarestong mga suspek ay kinasuhan ng murder.

vuukle comment

FERNANDO BOTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with