^

Police Metro

Bus terminals sa EDSA, aalisin na

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa
Bus terminals sa EDSA, aalisin na

MANILA, Philippines —  Aalisin na sa EDSA ang mga terminal ng provincial buses simula Agosto, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito ay bunsod ng nakatakdang pagbabawal sa mga provincial buses na dumaan sa EDSA tuwing rush hours simula sa susunod na buwan.

Ayon sa  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga terminal nito ay ili­lipat na lamang sa area ng Valenzuela City at Santa  Rosa Laguna sa susunod na buwan.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, sinisimulan na aniya nilang alisin ang mga bus terminal sa northern part ng Metro Manila at ililipat ito sa interim terminals sa Valenzuela City.

Samantalang yung mga bus terminal sa southern Metro Manila ay nakatakdang ilipat na sa December ng taong ito sa interim bus terminals sa Santa Rosa Laguna.

Sabi ni Garcia ang pag-aalis aniya ng mga bus terminals sa EDSA ay magiging isa sa solusyon para maibsan ang trapik sa Metro Manila at hikayatin din ang mga pribadong motorista na sumakay na lamang sa public transportation systems para ma­kabawas din sa pagsisikip

Nabatid kay Garcia na nakipagdayalogo sila sa mga may-ari at operators ng bus terminal lalo na ‘yung mga apektado sa tatanggalin at pumayag naman aniya ang mga ito sa kanilang panukala.

Nabatid na sa Hulyo 23 ang dry-run para sa pag ban ng mga provincial buses sa EDSA at sa Agosto 1 ang simula ng implimentasyon nito.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with