^

Police Metro

Pinas ‘probinsiya na ng China’

Lordeth Bonilla, Malou Escudero, Gemma Garcia - Pang-masa
Pinas �probinsiya na ng China�
Ilan lang ito sa nagkalat na mga tarpolina na nakasaad ng “Welcome to the Philippines, Province of China”. Agad naman binaklas ng mga tauhan ng MMDA ang nakasabit na tarpolina sa kahabaan ng C5-Kalayaan, Makati City.
KJ Rosales

Mga tarpolina nagkalat...

MANILA, Philippines — “Welcome to the Philippines, Province of China”

Ito ang nakasulat sa tarpolina na kumakalat sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Itinanggi ng Malacañang na may alam sila sa mga nagkalat na tarpolina na ang Pilipinas ay isang probinsiya ng China, subalit, ang tiyak nila ay kagagawan ito ng mga kaaway ng gobyerno.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na ang Pilipinas ay patuloy na ipinaglalaban ang karapatan sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Ayon kay Roque na wala siyang ideya kung sinong grupo ang nasa likod ng tarpolina na nagpapakalat ng kasinunga­lingan.

“Wala po kaming gagawin. Pero I’m sure may mga taong nais kunin ‘yung tarp para gamitin siguro pamunas ng sahig or something... o ilalagay sa kubeta,” wika nito.

Naniniwala din si Senator Francis Escudero na imposibleng mismong ang gobyerno ang maglalagay ng mga nasabing tarpaulins na “witty pero nakakaasar.

Naniniwala rin si Escudero na bahagi ng paninira sa gobyerno ni Pangulong Duterte ang mga kumalat na tarpaulins.

Itinanggi naman ng Makabayan bloc ng Kamara na sila ang nasa likod ng mga nakakabit na tarpaulin sa ilang pedestrian overpasses sa Quezon City.

Binigyan diin ni Ba­yan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na hindi sila ang may pakana ng naturang gimik at wala silang pondo para gawin iyon.

Agad din binaklas ng mga tauhan ng Me­tropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga tarpaulin na makikita sa Quezon Avenue, malapit sa España-Rotonda, Pasay City, C-5 Kalayaan, Airport Avenue at Commonwealth, Philcoa.

Posibleng aniyang ikinabit ng madaling araw dahil walang mga nakatalagang enfor­cers.

vuukle comment

CHINA

TARPOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with