^

Police Metro

Gun for hire at 78 private armed groups, tinutugis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng malawakang crackdown ang Philippine National Police laban sa mga gun for hire at 78 Private Armed Groups sa bansa.

Ito ang ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde upang maiwasang maulit ang magkakasunod na pamamaslang sa mga lokal na opisyal tulad nina Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili noong Hulyo 2; General Tinio, Nueva Ecija Mayor Fernando Bote noong ­Hul­yo 3  at nitong Sabado  at kay Trece Martires City, Cavite Mayor  Alexander Lubigan.

Nabatid na 78 PAGs ang hawak ng mga pulitiko sa rehiyon ng Mindanao habang ang mga gun for hire na ginagamit sa pagtumba o pagpatay sa mga kalaban sa pulitika ay karamihan ay nakabase sa Luzon at ilan sa Visayas Region.

Binigyang diin ng PNP Chief na hindi lamang didisarmahan kundi aarestuhin rin ang mga PAGs  ng mga pulitiko alinsunod sa polisiya ng PNP ay dalawa lamang ang puwedeng maging close in security ng isang halal na opisyal.

Sinabi ni Albayalde na dahilan mga pulitiko tulad ng mga mayor at bise alkalde ang target kung saan sa kaso ng mga pagpatay kina Mayor Bote at Vice Mayor Lubigan ay pulitika ang nangungunang motibo ay pinaigting na ang seguridad kaugnay ng gaganaping 2019 midterm elections sa bansa.

Kabilang dito ang pagpapalakas sa police visibility, random checkpoints 24/7, focused law enforcement operations upang mapigilan ang posible pang mga insidente ng karahasan na may kaugnayan sa pulitika.

Kaya’t asahan na ang pagpapaigting ng checkpoint 24/7 sa buong bansa partikular na sa Metro Manila at mga karatig na lugar.

Base sa inisyal na­ im­bestigasyon, hindi konektado ang mga pagpatay sa mga lokal na opisyal bagkus ay magkakaiba ang motibo na nagkataon lamang na magkakasunod ito.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with