^

Police Metro

$2-M DOT project pinabubusisi ni Sec. Puyat

Doris Franche-Borja - Pang-masa
$2-M DOT project pinabubusisi ni Sec. Puyat
Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na hiniling na niya sa COA na rebyuhin ang naturang proyekto na hinihinalang may ‘anomalya’.
The STAR/ Miguel de Guzman

Anak ni kabayan sabit!

MANILA, Philippines — Hindi pa tapos ang mga natutuklasang anomalya sa Dept. of Tourism (DOT) makaraang sinisimulan nang rebyuhin ng Commission on Audit (COA) kung paano ginastos ng ahensya ang $2 million “World’s Strongest Man” project ni dating Tourism Secretary Wanda Teo.

Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na hiniling na niya sa COA na rebyuhin ang naturang proyekto na hinihinalang may ‘anomalya’.

“Yung ‘World’s Strongest Man’ project hindi lang ako komportable sa $2-million contract. Normally, ang contract should not be in dollars, kasi di ba nagpa-fluctuate yun, like now tumaas”, pahayag pa ni Puyat.

Maging ang ‘terms of reference’ bukod pa sa kung paanong paraan ito binayaran ng DOT.

Bukod kay Teo, ang “World’s Strongest Man” ay proyekto rin ni DOT Undersecretary Kat De Castro na patuloy pa ring nagre-report sa kabila ng panawagan na magbitiw na sa pwesto.

Nabatid na nakapagba­yad na ang DOT ng 50 porsiyento sa naturang proyekto.

Nabatid na si De Castro ay nagsumite ng kanyang resignation mismo kay Pangulong Duterte pero sa ngayon ay wala pang desis­yon ukol dito.

Ang proyekto sa unang pahayag ni De Castro ay naglalayon umano na ­i-promote ang sports tourism ng bansa at ito ay nilalahukan ng may 30” strongest men” sa ibat-ibang panig ng mundo na maglalaban-laban sa 16-course event, kabilang ang paghatak ng truck o eroplano, pagbuhat ng ref. at iba pa.

Sa panig ni Puyat na maaari namang i-promote ang turismo sa bansa ng hindi gagastos ng ganitong kalaking halaga.

Dapat umanong managot ang mga taong sangkot dito kahit pa sila ay nag-render ng kanilang resignation.

Hindi pa nagbibigay ng komento ukol dito si De Castro na nasa board mee­ting ito kahapon.

 

vuukle comment

BERNADETTE ROMULO PUYAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with