^

Police Metro

5 miyembro ng Maute-ISIS utas sa air strike

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa patuloy na air at ground operations ng tropa ng pamahalaan sa kuta ng terorista sa kabundukan ng Tubaran, Lanao del Sur ay napatay ang 5 miyembro ng Maute- Islamic State of Iraq and Syria (Maute-ISIS).

Sa ulat na tinanggap ni Col. Romeo Brawner Jr., Deputy Commander at Spokesman ng Joint Task Force (JTF) Ranao, kanila pang inaalam kung kasama sa  nasawi ang lider ng Maute-ISIS na si Owayda Benito Marohombsar alyas Abu Dar.

“There are reports indicating that five members of the Maute-ISIS group led by Owayda Benito Marohombsar alias Abu Dar have been killed. The military is still verifying these reports,” pahayag ni Brawner.

Sa ulat, bandang alas-9:00 ng umaga noong Linggo nang magsimulang maglunsad ng air at ground strike operations ang tropa ng mga sundalo laban sa nalalabi pang Maute-ISIS at mga bagong recruits ng mga ito na aabot sa 40 terorista ang bilang.

Ang insidente ay nagbunsod din sa paglikas ng nasa 724 pamilya na pan­samantalang kinukupkop sa  kabisera ng Tubaran at kalapit na bayan ng Paga­yawan.

Ang nasabing air strike operations ay sinundan ng bakbakan sa pagitan ng Maute-ISIS terrorists at ng ground troops ng militar na tumutugis sa mga kalaban.

Si Abu Dar ay siyang pumalit sa pamumuno sa Maute-ISIS matapos mapatay sa assault operation sa Marawi City siege noong Oktubre 2017 si Comman­der Isnilon Hapilon, ang itinalagang Emir ng ISIS sa Southeast Asia.

Si Abu Dar tubong Pagayawan, Lanao del Sur ay kabilang sa mga nagplano ng Marawi siege kasama ang mga napatay sa assaulat operations ng militar na sina Hapilon at magkapatid na sina Omar at Abdullah Maute noong Oktubre 16, 2017 pero nakatakas si Dar na namuno sa nalalabi pang Maute-ISIS.

vuukle comment

MAUTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with