^

Police Metro

Kabataan sa Quezon City may partisipasyon na sa komunidad

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — May partisipasyon na ngayon ang mga bata sa kanilang komunidad na ginagalawan sa lungsod ng Quezon.

Ito ay makaraang ipasa ng QC Council sa pangu­nguna ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang Ordinance No. SP-2671, S-2018 na iniakda ni Councilor Julienne Alyson Rae Medalla at nagtatakda ng eleksyon ng isang “child representative” sa bawat barangay na magsisilbing kinatawan ng children sector sa Barangay Council for the Protection of Children (BCPC).

Ang BCPC ay ang komite na nangunguna sa pagsasagawa ng mga programang nangangalaga sa kapakanan ng mga kabataan.

Ayon kay Belmonte, ang paglahok ng mga bata sa BCPC ay nakapaloob sa Guidebook on Child Participation in the Philippines na inilabas ng Council for the Welfare of Children (CWC), ang inter-agency body ng pamahalaan para sa mga kabataan.

Base sa bagong ordinansa, maaaring tumakbo at mahalal na child representative ang mga batang edad 10 hanggang 15 na magiging miyembro ng BCPB board.  Sila ay ihahalal ng mga miyembro ng mga children’s associations na accredited ng barangay. Sila rin ay dapat residente ng barangay ng isang taon.

Bilang opisyal na kinatawan ng sektor ng kabataan sa komunidad, ang mahahalal na child representative ang mangunguna sa pagtitipon ng mga children’s associations upang talakayin ang mga isyung may kinalaman sa mga bata. Ito ay ipiprisinta nila sa BCPC upang mabigyan ng karampatang aksyon.

Isa ang Quezon City sa mga ginawaran ng 2016 Seal of Child-Friendly Local Go­vernance ng CWC dahil sa mga programa nitong nanga­ngalaga sa karapatan ng mga bata.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with