^

Police Metro

Human rights ng tambay ‘di aabusuhin-PNP

Joy Cantos - Pang-masa
Human rights ng tambay �di aabusuhin-PNP
Ito’y sa gitna na rin ng pangamba ng mga kritiko na dumanas ng kaliwa’t kanang pang-aabuso sa karapatang pantao ang mga tambay at nakahubad na mga lalaki sa Metro Manila na ipinahuhuli ni Pangulong Rodrigo Duterte.
File

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde na hindi maabuso ang karapatang pantao ng mga tambay sa gabi na naglipana sa mga kalye sa Metro Manila.

Ito’y sa gitna na rin ng pangamba ng mga kritiko na dumanas ng kaliwa’t kanang pang-aabuso sa karapatang pantao ang mga tambay at nakahubad na mga lalaki sa Metro Manila na ipinahuhuli ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 Sinabi ni Albayalde sa ilalim ng ‘Oplan Rody’ o ang panghuhuli sa mga tambay at mga nakahubad na mga pasaway ay binigyan na niya ng direktiba ang kapulisan na igalang ang karapatang pantao sa pagpapaigting muli ng kampanya.

“Well yun naman pong mga pulis natin ay covered by laws at alam naman po nila na meron tayong sinusunod na police operational procedures na palagi pong nandiyan, yung respect for human rights ay para pong paramount at alam naman po ng ating mga kapulisan”, ayon pa sa opisyal.

Una rito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa PNP na paghuhulihin ang mga tambay at nakahubad na kalalakihan sa Metro Manila, pauwiin sa kanilang mga bahay at kung  pasaway ay itali saka itapon sa Ilog Pasig.

Binigyang diin naman ni Albayalde na pagsasabihan nang maayos ng mga magpapatrulyang mga pulis ang mga tambay na magsiuwi sa kanilang mga bahay.

Ngunit kung magmatigas ang mga ito ayon pa kay Albayalde saka lamang ang mga ito dadakipin at dadalhin sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with