Nagwaging kandidato na may kaso ‘di makakaupo-Comelec
MANILA, Philippines — Kung may nakabinbing mga petition for disqualification ay hindi umano makakaupo sa puwesto sa darating na Hunyo 30 ang mga nanalo sa naganap na Barangay at Sangguniang Kabataan elections noong May 14, 2018.
Ito ang inihayag ni Comelec Spokesman Director James Jimenez, alinsunod sa Comelec Resolution Number 10196, na nagsasabing ang kandidato sa SK ay hindi dapat bababa sa 18 taong gulang at hindi rin lalagpas sa 24 taong gulang noong araw ng eleksyon.
Samantala sa ilalim naman ng Local Government Code of 1991, pinapatawan ng disqualification na tumakbo sa halal na posisyon ang sinuman na napatalsik sa pwesto dahil sa kasong administratibo.
Hindi rin papayagan na maupo ang mga halal na lokal na opisyal na nakapagsilbi na ng tatlong magkakasunod na termino sa posisyon.
- Latest