^

Police Metro

Opisyal ng Comelec todas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lokal opisyal ng Comelec ang pinagbabaril ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa naganap na ambush kamakalawa ng gabi sa bayan ng Bauan, Batangas.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Noel Miralles.

 Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen bandang alas-6:10 ng gabi ay naghihintay ng masasakyan sa harapan ng  Citimart shopping mall sa Brgy. 4 ng bayang ito  ang biktma  pauwi  sa kanilang bahay sa Brgy. Dumantay, Batangas City nang biglang sumulpot sa lugar ang motorcycle riding in tandem at pagtapat sa biktima ay bigla na lamang itong pinagbabaril.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay  mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng bayan ng San Pascual.

Nabatid na ang biktima ay may 20 taon ng nagtatrabaho bilang Comelec Municipal Election Officer sa bayan ng  Bauan.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with