^

Police Metro

Pari itinumba sa simbahan

Joy Cantos, Raymund Catindig, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Pari itinumba sa simbahan
Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaslang sa biktima dakong alas-6:05 ng gabi sa likuran ng altar ng kapilya ng simbahang Katoliko sa Brgy. Mayamot ng nasabing bayan ay kasalukuyang nagbibihis si Fr. Nilo sa likuran ng altar para sa gagawing pagmisa nang biglang sumulpot ang dalawang salarin na lulan ng motorsiklo na sumilip sa bintana ng simbahan.
Catholic Bishops' Conference of the Philippines

MANILA, Philippines — Sa mismong likuran ng altar ng simbahan pinagbabaril ang isang pari na handa na sanang magmisa naganap kamakalawa ng gabi sa Zaragosa, Nueva Ecija.

Ang biktima na namatay noon din dahil tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang si Fr. Richmond Nilo, 40.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaslang sa biktima dakong alas-6:05 ng gabi sa likuran ng altar ng kapilya ng simbahang  Katoliko sa Brgy. Mayamot ng nasabing bayan ay kasalukuyang nagbibihis si Fr. Nilo  sa likuran ng altar para sa gagawing pagmisa nang biglang sumulpot ang dalawang salarin na lulan ng motorsiklo na sumilip sa bintana ng simbahan.

Pinaputukan ang pari ng pitong beses sa ulo at katawan na binawian ng buhay noon din sa insidente Mabilis na nagsitakas lulan ng kulay asul na motorsiklong Honda Wave  patungo sa direksyon ng Brgy. Pa­nambingan, San Antonio ng lalawigan.

Si Nilo ay dating Pa­ngulo ng College of the Immaculate Conception sa Cabanatuan City.

Ipinag-utos na ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde ang pagbuo ng Special Investigation Task Group (SITG) upang im­bestigahan at resolbahin ang pamamaslang kay Fr. Nilo.

Ipinamo-monitor din ni Albayalde sa mga hepe ng pulisya sa buong bansa ang mga paring may death threat upang mabigyan ang mga ito ng proteksyon at nanawagan din sa kaparian sa bansa na makipagkoordinasyon sa PNP para sa kanilang kaligtasan.

Sa tala si Nilo ang ikatlong pari na pinaslang sa loob ng anim na buwan ng motorcycle riding in tandem na mga armadong salarin.

Magugunita na si Fr. Marcelino Paez, kura paroko sa Jaen, Nueva Ecija ay pinagbabaril  at napatay noong Disyembre 4 ng nakalipas na taon; Fr. Mark Ventura ay napatay naman matapos na magdaos ng misa sa Gattaran, Cagayan noong Abril 29 ng taong ito at Fr. Rey Urmeneta ng St. Michael de Archangel Parish ay sugatan naman sa ambush sa Calamba City, Laguna  noong nakalipas na linggo.

vuukle comment

RICHMOND NILO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with