^

Police Metro

2 Kotong cops arestado

Joy Cantos - Pang-masa
2 Kotong cops arestado
Ayon kay PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) Commander P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., bago naaresto ang dalawang pulis bandang alas- 7:30 ng gabi sa bisinidad ng nasabing restaurant sa bayan ng La Trinidad ay nagreklamo ang mga biktimang sina Ryan Abing Olsina at Jerbin Velasco; pawang collector at ­operator ng Small Town Lottery (STL) sa La Trinidad, Benguet .
File

MANILA, Philippines — Inaresto ng kanilang kabaro ang dalawang pulis matapos na maaktuhang nangongotong sa isinagawang entrapment ­operation sa Dinawis Restaurant, La Trinidad, Benguet, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasakoteng suspek ay kinila­lang sina SPO3 Paulino Lubos Jr., nakatalaga sa Tublay Municipal Police Station at SPO4 Gilbert Legaspi, nakatalaga sa Provincial Intelligence Branch ng Benguet Provincial Police Office (PPO).

Ayon kay PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) Commander P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., bago naaresto ang dalawang pulis bandang alas- 7:30 ng gabi sa bisinidad ng nasabing restaurant  sa bayan ng La Trinidad ay nagreklamo ang mga biktimang sina Ryan Abing Olsina at Jerbin Velasco; pawang collector at  ­operator ng Small Town Lottery (STL) sa La Trinidad, Benguet .

Lumalabas sa imbestigasyon, ang nasabing mga pulis ay palagi umanong nanghuhuli ng mga STL collectors kabilang ang mga nagrereklamo na hinihingan ng mga ito ng mula P 5,000 hanggang P 40,000 bilang proteksiyon umano sa STL operator kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso laban sa mga inaresto ng mga itong empleyado.

Ang STL ay nasa ilalim ng operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at legal itong pinahihintulutan ng batas.

Matapos matanggap ang reklamo ay agad nagsagawa ng surveillance operation ang CITF operatives at ng makumpirmang positibo ang ulat ay ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang pulis.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang P3,000 marked money na balanse mula sa naunang ibinayad na P 2,500 ng mga nagre­reklamo sa mga nasakoteng suspek.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with