^

Police Metro

Taiwanese na nagkamali sa trabaho, pinakidnap ng amo

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga pulis ang isang call center agent na Taiwanese national na umano ay dinukot at ikinulong sa pinagtatrabahuan nitong online gambling company dahil nagkamali lamang sa kanyang trabaho kamakalawa sa  Makati City.

Ang biktima ay kinila­lang si Neng Neng Tseng, 32, naninirahan sa One Pacific Place, H.V. Dela Costa St., Brgy. Bel-Air ng lungsod. Nasa kustodiya rin ng pulisya ang 11 Chinese nationals na pawang empleyado ng nasabing online gambling firm. Sa ulat, nakatanggap ng reklamo ang tanggapan ni P/Sr. Supt.­ ­Benjamin Acorda Jr., hepe ng  Directorate of Intelligence, National Capital Regional Police Office (NCRPO) mula sa Taiwan Embassy sa pamamagitan ni ­Jerry Wang, na isa nilang kababayan ang dinukot at ikinulong umano sa Van Gogh Business Process Outsourcing Incorporated na ang business address ay nasa 14th floor, 2251 IT Hub, Chino Roces Avenue, Brgy. Bangkal, Makati City

Alas-3:00 ng mada­ling araw nang magsagawa ng rescue operation at nasagip ang biktima kasama ang 11 Chinese nationals na pawang nagtatrabaho doon na binabantayan ng dalawang sekyu.

Ayon sa biktima na siya ay pinagbabayad ng kanyang amo ng halagang P560,000.00 na katumbas ng 70,000 Rmb Chinese currency at kapag naibigay ay saka siya pauuwiin ng kanyang bahay.

Sa pahayag pa ng biktimang si Tseng, na nagtatrabaho siya bilang call center agent sa isang online gambling company sa ilalim ng kanyang supervisor na si Song Xin Cheng, isang Chinese national na may English name na Steve Song.

vuukle comment

CALL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with