Shellfish products bawal kainin sa 5 probinsya
MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy ang pagtaas ng red tide toxin ay hindi muna maaaring makain ang anumang shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan sa limang lalawigan sa bansa.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga lugar na bawal pagkunan ng shellfish products ay ang baybayon ng Biliran Province, Leyte, Lianga Bay sa Surigao del Sur, Dauis at Tagbilaran City Bohol at Honda Bay, Puerto Princesa.
Kahit ang alamang na magmumula sa nabanggit na mga lugar ay bawal kainin.
Ang isda, pusit, hipon at alimasag mula sa nabanggit na mga lugar ay ligtas naman kainin bastat hugasang mabuti at alisin ang hasang ng isda bago lutuin.
- Latest