^

Police Metro

2 patay sa karambola ng 5 sasakyan

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa
2 patay sa karambola ng 5 sasakyan
Parang lata na nayupi ang Ford Everest na ito na naipit ng dalawang bus sa naganap na karambola ng 5 sasakyan sa Libmanan, Camarines Sur, kahapon ng umaga.
Jorge Hallare

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang katao habang 11 ang nasugatan matapos magkarambola ang limang sasakyan kahapon ng umaga sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. Mabini, Libmanan, Camarines Sur.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Leoncia Mangarin, 60, school principal, residente ng Camella Homes, Brgy. Del Rosario, Naga City; at Roel Peña, ng Pili.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Fran­cesca Abayo, 75; Socorro Adiova, 65; Felicidad Canet, 93; Albert De Vera, 61; Susanne Maner, 34; Naoki William Pena, 9 na buwang gulang habang inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng lima sugatan.

Sa ulat ng pulisya bago naganap ang sakuna dakong alas-5:30 ng umaga, ay minamaneho ni Peña ang Toyota Avanza (VQ-2943) at binabaybay ang kahabaan ng highway nang bumangga ito sa kasalubong na Tripolds Bus (EVP-896) na minamaneho ng isang alyas ‘Felimon’ na nawalan ng kontrol at bumanga sa  itim na Ford Everest (XTW-311) na minamaneho ni Silvestre Mangarin na kung saan ay lulan si Leoncia.

Subalit,nabangga naman ito ng sumusunod na Philtranco Bus (ABG-7609) na minamaneho ni Alex Candia, 39 kung saan bumangga naman sa kanila ang sumusunod na truck (RHC-967) na minamaneho ni Arnold De Leon, ng Sta. Rosa, Laguna.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad sa kaso.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with