^

Police Metro

Nanalong tserman tinodas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nakaupo sa kanyang puwesto ang bagong halal na barangay chairman nang pagbabarilin ito ng mga suspek na nakamotorsiklo kahapon ng umaga sa San Jose, Batangas.

Kinilala ang nasawing biktima na si Demetrio Deomampo, 51, bagong halal na chairman  ng Brgy.Buso-Buso, Laurel, Batangas .

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen bandang alas-8:25 ng umaga sa Brgy. Pinagtulung-ulan ay lulan ang biktima ng kaniyang Isuzu Hilander (VAB-761) patungo sa national highway nang dikitan ito ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo at pagbabarilin.

Napuruhan ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Sinisilip ng pulisya ang pulitika sa motibo ng krimen.

vuukle comment

DEMETRIO DEOMAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with