^

Police Metro

Itinatayong flyover sa Cavite, gumuho

Cristina Timbang - Pang-masa
Itinatayong flyover sa Cavite, gumuho
Tipak-tipak na mga semento at iba pang materyales ang nagkalat sa kalsada sa Emilio Aguinaldo Highway matapos gumuho ang gitnang bahagi ng ginagawang flyover.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Gumuho ang gitnang bahagi ng ginagawang flyover sa Imus, Cavite matapos mawala sa balanse ang isa sa ikinakabit na support beam malapit sa isang mall dakong alas-11:45 ng gabi noong Sabado.

Tipak-tipak na mga semento at iba pang materyales ang nagkalat sa kalsada sa Emilio Aguinaldo Highway matapos gumuho ang gitnang bahagi ng ginagawang flyover.

Walang naitalang nasugatan sa insidente pero nadaganan naman ng gumuhong beams ang isang trailer truck ng project contractor at isang motorsiklo ng traffic enforcer.

Pansamantalang nakasarado sa mga moto­rista ang Emilio Aguinaldo Highway corner Daang Hari at tinatayang aabutin hanggang Lunes bago tuluyang maalis lahat ng nakahambalang sa kalsada.

Inaabisuhan ang mga motorista na dumaan muna sa Anabu Road, Daang Santol Road at Malagasang Road para sa mga light vehicles habang maaari namang dumaan ang mga truck at bus sa Salitran Road at Molino Boulevard.

Tinatayang nasa P13-milyon ang halaga ng pinsala ng naturang insidente.

Pinabulaanan naman ng Department of Public Works and Highways ang mga alegasyon na substandard ang ginamit na mga materyales kaya gumuho ang bahagi ng flyover.

vuukle comment

FLYOVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with