^

Police Metro

Mayor inambush: 4 todas

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang apat na katao kabilang ang isang barangay chairman at isang pulis habang masuwerte namang nakaligtas si Municipal Pantao Ragat Mayor Lacson Lantod matapos ratratin ng mga armadong kala­lakihan ang sinasakyan nilang pick-up, kahapon ng umaga sa Lanao del Norte.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang kinilalang sina Barangay Captain Kalic Disamburun at isang alyas “Tarapas” habang hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan da­lawa pang biktima na sina P01 Macalaba at Casanu­ding Hasim.

Ginagamot naman sa Minadanao Sanitarium Hospital sa Iligan City ang tatlo pang kasama sa sasakayan na nasugatan sa ambush na sina P01 Mangonte, Brgy Capt. Parmon Macarimbang at SB Acmad Magumnang

Mapalad namang nakaligtas at hindi man lang nagalusan o nasugatan si Mayor Lantod.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ni PNP -Provincial Regional Office 10, na dakong alas-8:00 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente.

Sakay umano ang mga biktima at ang alkalde ng isang Toyota pick-up hi-lux nang tambangan sila at pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Brgy Cabasagan Pantao Ragat, Lanao del Norte.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up ­operation ang mga otoridad laban sa mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang pananambang.

vuukle comment

AMBUSH

LACSON LANTOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with