^

Police Metro

Palasyo walang pakialam sa rigodon sa Senado

Malou Escudero - Pang-masa
Palasyo walang pakialam sa rigodon sa Senado
Ito ang inihayag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na base sa kanyang karanasan, hindi nakialam kailanman si Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado.
File

MANILA, Philippines — Kahit kailanman ay hindi umano nakialam ang Malacañang sa Senado lalo na sa magaganap na pagbabago sa liderato nito.

Ito ang inihayag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na base sa kanyang karanasan, hindi nakialam kailanman si Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado.

“Ang experience ko dahil paminsan-minsan nagkakaroon din kami ng pakikisalamuha sa Malacañang kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ni minsan di siya nakikialam sa ginagawa namin,” sabi ni Lacson.

Nakatakda nang palitan sa puwesto ni Majority Floor Leader Vicente “Tito” Sotto III si Senate President Aqui­lino “Koko” Pimentel III na nag-iisang miyembro ng PDP-Laban sa Senado at ka-partido ni Duterte.

Ayon pa kay Lacson ang tanging nagawa lamang ng Pangulo na hindi maituturing na panghihimasok ay ang pakiusapan ang Department of Budget na pabilisin ang paglalabas ng pondo para sa mga legislative agenda.

Dagdag pa ni Lacson, kahit umano ang pag-reject ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) sa mga miyembro ng Gabinete ay hindi nakialam si Duterte.

Samantala, naniniwala si Lacson na walang magiging epekto sa legislative agenda ang magiging pagpapalit sa liderato ng Senado.

vuukle comment

PANFILO “PING” LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with