^

Police Metro

2 talunang kandidato itinumba

Joy Cantos, Lordeth Bonilla - Pang-masa
2 talunang kandidato itinumba
Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang natalong kandidato sa pagka-barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang salarin na pawang nakamas­kara nitong gabi ng Biyernes sa Malabon City.
File

MANILA, Philippines — Dalawang talunang kan­didato sa nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election ang pinaslang sa lungsod ng Malabon at Antipolo sa naganap kahapon ng umaga at nitong Biyernes, ayon sa ulat ng pulisya.

Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang natalong kandidato sa pagka-barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang salarin na pawang nakamas­kara nitong gabi ng Biyernes sa Malabon City.

Sanhi ng mga tinamong tama ng punglo ng kalibre .45 baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, idineklarang dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang kinilalang si Noel Vibal, 58, nakatira sa  #9 Villarva St., Brgy. Tinajeros ng naturang siyudad.

Batay sa ulat nina Ma-labon City Police Homicide investigator PO3 Jun Belbes at PO2 Rocky­mar Binayug, dakong alas-8:25 ng gabi, habang nag-iinuman ang biktima kasama ang tatlo pang kaibigan sa tanahan nito nang biglang sumulpot ang apat na salarin at walang patumanggang pinagbabaril hanggang sa duguang bumulagta ang biktima.

Blanko pa rin ang pulis­ya sa pagkakakilanlan ng mga suspek at sa motibo ng pamamsalang.

Samantala, patay din sa pamamaril ang isang natalong kandidato sa pagka-barangay kapitan sa Antipolo City.

Sa ulat ng Antipolo City Police, bandang alas-8:30 ng umaga nang mangyari ang pamamaril sa biktimang si Rodrigo Lico sa bisinidad ng # 79 Sto Niño, Brgy. San Isidro ng lungsod.

Sa pahayag ng testigong si Marlo Espenilla ang biktima ay nasa kaniyang quarter sa lugar nang biglang sumulpot ang armadong salarin at pagbabarilin ito sa ulo.

Matapos na mapuruhan ang target ay mabilis na tumakas ang salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Inihayag ng opisyal na inaalam pa ng mga im-bestigador ang motibo sa krimen kung saan kabilang ang pulitika at personal na alitan sa sinisilip na motibo.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with