^

Police Metro

Dalawang nagwaging tserman inaresto sa droga at pagpatay

Mer Layson, Raymund Catindig, Rhoderick ­Beñez - Pang-masa
Dalawang nagwaging tserman inaresto sa droga at pagpatay
Ikinasa kahapon ng PDEA ang search warrant sa bahay ng pamilya at sa paghahalughog ay nasamsam ang nasabing mga droga at kalibre 45 baril.
File

MANILA, Philippines — Isang nanalong barangay chairman na kinilalang si Melvin Fortaja ang inaresto ng mga otoridad nang masamsam sa bahay nito ang limang sachet ng shabu at baril sa isinagawang raid kahapon ng madaling araw sa Brgy. Malasila, Makilala, North Cotabato.

Bagama’t wala sa lista ng PDEA sa kanilang listahan ay sinubaybayan at minonitor ito dahil sa nakukuha nilang mga impormasyon na sangkot ito sa drug trade.

Ikinasa kahapon ng PDEA ang search warrant sa bahay ng pamilya at sa paghahalughog ay nasamsam ang nasabing mga droga at kalibre 45 baril.

Hinala naman ng pamilya ng suspek na may bahid pulitika ang pagkakaaresto matapos na manalo noong Lunes sa election. Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Isa pang nanalong barangay chairman na si Jolly Ladiero ang inaresto at sinampahan ng kasong murder matapos na ituro ito na siyang pumatay sa nakalabang incumbent barangay chairman na si Bartolome Mac­kay noong Mayo 9 sa Brgy. Trinidad, Mallig, Isabela.

Ayon kay Isabela Police Director Sr. Supt Mariano Rodriguez na may mga saksing nagturo kay Ladiero na noon ay no.1 Kagawad bilang isa sa mga nagtumba kay Mackay na noon ay nag-eehersisyo sa bukirin.

Lumakas ang ebidensiya laban kay Ladiero nang magpositibo ito sa paraffin test na isinagawa ng police crime laboratory.

Tinalo ni Ladiero ang biyuda ni Mackay na tumayong substitute candidate noong May 14 elections.

vuukle comment

MELVIN FORTAJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with