Walang blackout ngayon
MANILA, Philippines — Siniguro ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na walang magaganap na blackout ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ito ang paniniyak ni NGCP North Luzon public affairs officer Lilibeth Gaydowen na Marso pa lang ay nakabuo na sila ng ‘contingency measures’ para maiwasan ang pagkaputol ng suplay ng enerhiya na may kinalaman sa transmisyon.
Nakaantabay na umano ang lahat ng kanilang ‘line crews, engineers, pilots, maintenance, testing’ at iba pang ‘technical personnel’ sa mga NGCP substations upang mabilis na makaresponde sakaling may maganap na mga ‘line trippings’.
Una nang ibinida ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi ang kanilang kahandaan at sapat na suplay ng enerhiya buhat sa mga ‘generation plants’ para sa halalan.
- Latest