^

Police Metro

Mag-inang Chinese hinoldap: P3-milyon tinangay ng 2 tandem

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumataginting na P3-milyong halaga ng cash ang natangay mula sa isang mag-inang Chinese ilang sandali matapos silang mag-withdraw sa isang bangko nang holdapin ng apat na katao na sakay ng dalawang motorsiklo naganap kamakalawa ng hapon sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa inihaing reklamo sa Manila Police District-Station 3 ng mag-inang biktima na sina Grace Wang, 56, negosyante at anak nitong si Nikki Hong, 28, kapwa residente ng No.1502 Bambang St., Sta. Cruz, Maynila, dakong alas 4:30 ng hapon nang maganap ang panghoholdap sa panulukan ng Bambang at Severino Reyes Sts., ng naturang lugar.

Matapos umano nilang i-withdraw ang nasabing halaga ng pera sa AUB Bank ay isinilid ito sa kanilang mga shoulder bag at sumakay sila ng tricycle dahil malapit lang sila sa tahanan.

Nagulat na lang sila nang pagsapit nila sa kanto ng Severino Reyes St. ay bigla na lang hinarang ng mga suspek na sakay ng dalawang Yamaha Mio na kulay itim at pink na pawang naka-full helmet ang sinasakyan nilang tricycle na minamaneho ni Stevenson Nicolas Jr.

Mabilis na bumaba ang backrider ng motor at tinutukan ng baril ang mag-ina at sapilitang kinuha ang mga bitbit nilang shoulder bag.  Isa sa bag na naglaman ng pera ay ipinasa pa sa isa pang backrider bago sumakay ng motorsiklo at humarurot patakas.

Nangangalap pa ang kuha ng closed circuit television (CCTV) ang mga awtoridad sa isinasagawang follow-up ­operation ng MPD-Theft and Robbery Section sa pangunguna ni Chief Insp Eduardo Pama para mapag-aralan at makakuha ng lead sa pagkilanlan ng mga suspek. Vanessa Lenn Galuza

vuukle comment

HOLDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with