^

Police Metro

Mister inutas ng live-in partner

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 29-anyos na lalaki matapos na pagsasaksakin ng live-in partner nang magkaroon sila nang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Brgy. 38M. Caridad, Cavite City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Jojo Tuazon, 29, call center agent, residente ng no. 15 Bagong Taon St., Brgy. Palatiw, Pasig City.

Agad na naaresto ang live-in nitong si Aira Grace Lavandelo, 26, call center agent, ng 806 Lt. Mario Castro St., Brgy. 38M, Caridad, Cavite City.

Bago nangyari ang krimen dakong alas-11:30 ng gabi ay nasa loob ng kanilang bahay ang magkarelasyon kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Jane Roxanne De Borja at  Arvin Armada nang magkaroon nang mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha ng patalim ang babae at sinugod ng mga saksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na dinala ng mga kaibigan sa ospital, subalit namatay din ito. Kinasuhan na ang suspek at nakakulong na sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

JOJO TUAZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with