^

Police Metro

Ex-PBA player kulong sa pananaksak ng live-in partner

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa
Ex-PBA player kulong sa pananaksak ng live-in partner
Nasa kustodiya ngayon ng Makati City Police ang suspect na si Mark Reynan Cardona, 37, player ng koponang San Juan Knights ng MPBL.
File

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang isang dating manlalaro ng Philippine Basketball Association matapos nitong gulpihin at saksakin ang kanyang live-in partner kahapon ng umaga sa Makati City.

Nasa kustodiya ngayon ng Makati City Police ang suspect na si Mark Reynan Cardona, 37, player ng koponang San Juan Knights ng MPBL.

Sanhi ng saksak sa kaliwang braso at mga pasa sa katawan, nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center ang kinakasama nitong si Bianca Nicole Jacket, 25.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD) naganap ang insidente alas-5:30 kahapon ng umaga sa tinitirhan nilang condo unit sa Unit 21, Avida Tower 2, Malugay St., Brgy. San Antonio Village, Makati City.

Nabatid, na nagtalo umano sina Cardona at Jacket, dahil sa hindi pagkakaintindihan sa ilang mga bagay.

Sa kasagsagan ng mainitang pagtatalo ng dalawa, dito umano ginulpi ni Cardona ang biktima at inundayan pa niya ito ng saksak nang makahagilap ito ng patalim.

Dahil sa insidente kaagad na isinugod ang duguang biktima sa naturang pagamutan at si Cardona naman ay nadakip ng mga kagawad ng Makati City Police.

Base sa report, minsan nang nasangkot sa kaso si Cardona noong Pebrero ng taong kasakukuyan matapos itong mahulihan ng isang “hot car” ng grupo ng PNP, Highway Patrol Group.

Dati ring player si Cardona ng Talk and Text, MERALCO Bolts, AIR 21 Express, NLEX Road Warriors at Global Port Batang Pier.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with