^

Police Metro

AFP: No ransom policy sa terorista

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binigyang diin kahapon ni Joint Task Force (JTF) Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana na pinaiiral ng pamahalaan laban sa teroristang grupo ang “no ransom policy”.

Kaya’t nanawagan si Sobejana sa pamilya ng mga bihag na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad  na huwag magbayad ng ransom sa grupo ng mga bandido.

Ang dalawang babaeng pulis ay kapwa miyembro ng Crime Laboratory Office ng Police Regional Office (PRO) 9 na nakabase sa lungsod ng Zamboanga na nagtungo lamang sa Sulu para magliwaliw nang mangyari ang pagdukot sa kanila.

“Kami naman manatili kami sa aming posisyon na no ransom policy kasi nga the more we give ransom the more na magkaroon ng kidnapping kasi nagi­ging lucratice venture ang kidnapping dito kung may magbabayad ng ransom”, pahayag ni Sobejana.

 Magugunita nitong Miyerkules ay inihayag ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na humingi na ng P 5 M ransom o tig P2.5 M bawat isa ang mga kidnaper kapalit ng pagpapalaya sa dalawang pulis na binihag ng 11 armadong bandido sa pangunguna ni  Mujir Yada sa Brgy. Liang, Patikul, Sulu noong Abril 29 ng taong ito dakong alas-12:40 ng hapon.

vuukle comment

POLICY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with