^

Police Metro

5,000 ‘undocumented Filipinos’ nasa Kuwait

Danilo Garcia - Pang-masa
5,000 �undocumented Filipinos� nasa Kuwait
Sinabi ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa na marami sa naturang mga Filipino ay mga tumakas sa kanilang mga amo at tumatanggap ng mga ‘part time’ na trabaho para mabuhay.
Noel Celis/AFP

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 5,000 pang mga Filipino ang nasa Kuwait upang patuloy na makipagsapalaran sa naturang bansa sa kabila ng pagtatapos ng ibinigay na amnestiya,

Sinabi ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa na marami sa naturang mga Filipino ay mga tumakas sa kanilang mga amo at tumatanggap ng mga ‘part time’ na trabaho para mabuhay.

Sa kabila ng pagtatapos ng amnestiya ng Kuwait nitong Abril 22 para makauwi sa Pilipinas ang mga Pinoy na walang ‘working documents’ sa bansa ay nagbabakasakali pa rin umano ang mga Pinoy na makakuha ng magandang trabaho kahit na mag-uumpisa na ang malawakang ‘crackdown’ ng pamahalaan ng Kuwait sa mga dayuhang walang dokumento.

Nasa 4,494 OFWs na ang naipabalik sa Pilipinas ng Department of Foreign Affairs sa ipinatupad na amnestiya.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, gumastos ang pamahalaan ng P66.1 milyon para sa biyahe ng mga OFWs at P22.5 milyon para sa financial assistance sa kanila.

vuukle comment

FILIPINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with