^

Police Metro

Lolo na may malubhang sakit, naglaslas ng leeg

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang wakasan ang paghihirap sa lumala­lang sakit ay winakasan ng isang 78-anyos na lolo ang kanyang buhay sa pamamagitan nang paglaslas ng leeg kamakalawa ng gabi sa bayan ng Bacacay, Albay.

Natagpuang patay at laslas ang leeg ng biktimang si Amando Bidol, sa Brgy. Napao may ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay.

Sa ulat ng pulisya, iniulat ng barangay chairman na si Michael Bellan ang pagkakadiskubre ng bangkay ng biktima na inireport sa kanya ng isang  residente.

Nagresponde ang mga elemento ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang duguang itak na hindi kalayuan sa bangkay.

Sa isinagawang im­bestigasyon ng pu­lisya  na dumaranas ng matinding depresyon ang matanda sanhi ng “kidney failure” na siyang posibleng motibo nang pagpapatiwakal nito.

vuukle comment

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with