^

Police Metro

Karnaper utas sa barilan

Danilo Garcia - Pang-masa
Karnaper utas sa barilan
Ang nasawing suspek ay kinilalang si Garry Vertosio, alyas “Gawgaw”, 32, residente ng No. 3072 JB Juan St., Brgy. Ugong, ng naturang lungsod. Habang nadakip ang kasamahan nitong si Michael Pornobre, 22, ng Don Simon Street, Brgy. Mapulang Lupa.
File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang karnaper nang makipagbarilan sa mga aarestong pulis matapos tangayin ang motorsiklo ng isang Indian national kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Garry Vertosio, alyas “Gawgaw”, 32, residente ng No. 3072 JB Juan St., Brgy. Ugong, ng naturang lungsod. Habang nadakip ang kasamahan nitong si Michael Pornobre, 22, ng Don Simon Street, Brgy. Mapulang Lupa.

Bago ang shootout ay hinarang ng dalawang suspek dakong alas-4:35 ng hapon ang Indian national na si Palwinder Singh, 22, sa may Que Grande St., Brgy.Ugong at tangayin ang motorsiklo.

Nagpunta  sa Station Investigation Unit si Singh at nagsampa ng reklamo at batay sa ipinakitang photo rouge gallery ay naituro ang mga suspek.

Nagkasa ng follow-up operation ang mga pulis at dakong alas-6:30 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Anti-Carnapping Unit at Detective Management Unit ang lugar ni Vertosio na kung saan ay pinutukan nito ang mga pulis kaya’t gumanti ang mga ito at napatay ang suspek.

Nang bumulagta si Vertosio ay kusang-loob na sumuko si Pornobre sa mga pulis habang nabawi ang motorsiklo ni Singh.

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with