^

Police Metro

2 lalaki todas sa tandem

Danilo Garcia - Pang-masa
2 lalaki todas sa tandem
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Marlon Valiza, alyas “Bay”, 30, tricycle driver at residente ng Phase 9 Package 5 at John Paul Dagohoy, 17, ng Phase 2 Block 50 Lot 15, ng naturang barangay.
File

MANILA, Philippines — Kapwa namatay ang dalawang lalaki nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Marlon Valiza, alyas “Bay”, 30, tricycle driver at residente ng Phase 9 Package 5 at John Paul Dagohoy, 17, ng Phase 2 Block 50 Lot 15, ng naturang barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:15 ng madaling araw ay naghihintay ng pasahero si Valiza sa may Phase 9 Block 3 Maharlika Dulo, Bagong Silang nang lapitan ng dalawang lalaki  at malapitang barilin sa ulo.

Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang dalawang gunman sakay ng isang motorsiklo.

Una rito, dakong alas-12:00 ng hatinggabi nang pagbabarilin ng limang beses ng dalawang suspek si Dagohoy habang nakaistambay sa tapat ng bahay ng kanyang tiyahin sa nasabing barangay.

Naisugod ang biktima sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ngunit nalagutan rin ng buhay dakong alas-12:23 ng madaling araw.

Inaalam pa ng pulisya kung iisa lang ang mga suspek sa pagpatay sa dalawang biktima.

vuukle comment

CRIME

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with