DOJ pinaiim-bestigahan ang Manila Pavilion fire
MANILA, Philippines — Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre III ang National Bureau of Investigation (NBI) ang naganap na 25 oras na sunog sa Manila Pavilon Hotel noong Linggo.
Nais ni Aguirre na alamin ng NBI kung may mayroong criminal, civil at administrative na pananagutan sa panig ng gobyerno at may-ari ng nasunog na hotel na nagresulta sa pagkamatay ng limang empleyado at pagkasugat ng 25 pang katao.
Inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung nagsimula ang sunog sa mga trabahador na nagwe-welding sa unang palapag ng hotel at inaalam din ang ulat na walang alarm system at water sprinklers ang hotel.
Tinatayang umabot sa P150 milyon ang pinsala sa naganap na sunog.
- Latest