^

Police Metro

Radio broadcaster grinanada

Pang-masa
Radio broadcaster grinanada
Sa ulat ni Senior Inspector Nuell Ramos, tagapagsalita ng Albay Police, dakong ala-1:15 ng mada­ling araw nangmagising si Hermogenes “Jun” Alegre Jr., 47-anyos, at ang kanyang pamilya dahil sa isang malakas na pagsabog sa labas ng kanilang tahanan sa Kabisig Street, Purok 5, Our Lady’s Village, ng naturang lugar.
File

MANILA, Philippines — Nawasak ang pick-up truck ng isang broadcast journalist na nakaparada malapit sa bahay nito matapos itong hagisan ng isang granada ng ‘di pa natukoy na mga suspek sa Legaspi City, Albay kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Senior Inspector Nuell Ramos, tagapagsalita ng Albay Police, dakong ala-1:15 ng mada­ling araw nangmagising si Hermogenes “Jun” Alegre Jr., 47-anyos, at ang kanyang pamilya dahil sa isang malakas na pagsabog sa labas ng kanilang tahanan sa Kabisig Street, Purok 5, Our Lady’s Village, ng naturang lugar.

Nang puntahan ay nakitang nagkabutas-butas dahil sa tama ng granada ang ilalim ng kanyang sasakyan (YX-7439) at nadamay pa ang isang nakaparadang kotse.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, isang uri ng MK2 type fragmentation grenade ang pinasabog ng mga suspek matapos makuha ang safety lever at ilang bahagi ng granada.

Nabatid na si Alegre ay station manager ng Zagitsit News FM station at correspondent din sa Albay ng DzRH.

Patuloy sa ginagawang imbestigasyon ang mga pulis sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

vuukle comment

JOURNALIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with