^

Police Metro

Taas-presyo ng delata, sisilipin ng Senado

Malou Escudero - Pang-masa
Taas-presyo ng delata, sisilipin ng Senado
Sa Senate Resolution 679 na inihain ni Poe, sinabi nito na nakasaad sa Section 1, Article 13 ng Konstitusyon, dapat bigyang prayoridad ng Kongreso ang pagpasa ng mga batas na magtataguyod sa dignidad ng mga mamamayan.
Geremy Pintolo/File

MANILA, Philippines — Dahil sa reklamo ng ordinaryong mamamayan, pinasisilip ni Senator Grace Poe sa kinauukulang komite sa Senado ang epek­to nang pagtaas ng presyo ng delata at iba pang pangunahing bilihin.

Sa Senate Resolution 679 na inihain ni Poe, sinabi nito na nakasaad sa Section 1, Article 13 ng Konstitusyon, dapat bigyang prayoridad ng Kongreso ang pagpasa ng mga batas na magtataguyod sa dignidad ng mga mamamayan.

Sinabi ni Poe kabilang sa trabaho ng gobyerno ang tiyakin na mapapanatili ang stability sa pres­yo ng mga pangunahing bilihin upang mabigyan ng proteksyon ang mga consumers mula sa mga mapansamantalang negos­yante.

Ipinunto  ni Poe ang pagtiyak ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa publiko na “minimal” lamang ang price increase sa basic goods at commodities ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) na nagsimula noong Enero. Ani Lopez, ang mga basic goods katulad ng noodles at mga regular na sardinas, 25-gram sachet ng kape, lata ng meat loaf at detergent soap ay magkakaroon lamang ng 3-4 na sentimo na pagtaas sa presyo.

Pero ayon kay Poe, sa ulat noong Marso 3, 2018 ng isang istasyon ng telebis­yon, hiniling ng mga canned sardines manufacturers sa DTI ang pagtataas na mula P1-P2 bawat lata ng sardinas. Ang dahilan umano ng pagtaas ng pres­yo ng mga imported raw materials, petroleum pro­ducts, at kuryente ay dahil sa TRAIN law kaya kailangan ding magtaas ng presyo ng mga manufactu­rers.

Nakasaad din sa reso­lusyon ni Poe na sa kasalukuyan, ang regular na presyo ng delata ay nasa P13.00-P14.00.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with