^

Police Metro

Paslit nasapol ng ligaw na bala Quezon City massacre: 3 kolektor niratrat ng tandem!

Mer Layson - Pang-masa
Paslit nasapol ng ligaw na bala Quezon City massacre: 3 kolektor niratrat ng tandem!
Kinilala ang tatlong napatay na sina Rhiela May Agravador, 25, Rex Delmonte, 30 at Efren Gadong, 33 habang ang sugatan na bata ay si Jhonny Boy Delmonte, ng nasabi ring lugar.
File

MANILA, Philippines — Tatlong kolektor sa Commonwealth Market na kinabibilangan ng isang babae at dalawang lalaki ang minasaker habang isang 3-anyos na bata ang sugatan nang  tamaan ng ligaw na bala, matapos silang pasukin sa kanilang bahay at pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na naka-helmet at bonnet sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.  

Kinilala ang tatlong napatay na sina Rhiela May Agravador, 25, Rex Delmonte, 30 at Efren Gadong, 33 habang ang sugatan na bata ay si Jhonny Boy Delmonte, ng nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jun Balbuena ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, dakong alas-8:30 ng gabi habang nakahiga at matutulog na sana ang mga biktima nang duma­ting sa kanilang bahay ang dalawang lalaki na pawang naka-suot ng bonnet at helmet sa #260 Steve St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Nabatid na sinipa ng dalawang armadong suspek ang pinto ng bahay ng pamilyang Delmonte at walang sabi-sabing pinagbabaril ang tatlo.

Sinasabing si Agravador at Gadong ay nakitulog lamang kina Delmonte dahil may maaga silang lakad kinabukasan bilang mga kolektor sa palengke.

Nasa katabing kuwarto naman ang bata kasama ang kayang ina na si Julie nang maganap ang masaker kaya tinamaan ng ligaw na bala sa paa ang paslit na ngayon ay ginagamot sa hospital.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang 17 basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa pinangyarihan ng krimen.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with