Napoles isinailalim sa witness protection
MANILA, Philippines — Isinailalim na sa Witness Protection Program (WPP) ng DOJ ang umano’y pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.
Sa isang dokumento na inilabas ng DOJ, si Napoles ay “provisionally covered” ng WPP simula noong Pebrero 27 ng kasalukuyang taon.
Si Napoles ay nahaharap sa kasong plunder at graft na may koneksyon sa naturang scam kung saan nakitaang mayroong bilyun-bilyong pisong halaga ng Priority Development Assistance Funds o PDAF ang napunta o inilagay sa mga bogus na proyekto ng mga pagmamay-ari niyang non-government organizations.
Layon ng WPP na hikayatin ang isang tao na may nalalaman sa isang krimen na humarap at tumestigo sa korte o sa kahit sinong otoridad na nag-iimbestiga kasabay ng pagbibigay proteksyon dito.
Matatandaan na na-absuwelto si Napoles sa kasong serious illegal detention at ikinukonsidera na noon na gawing state witness sa planong muling pag-iimbestiga sa PDAF scandal
- Latest