^

Police Metro

Kaso ng tigdas sa bansa, nag-triple

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health na nag-triple ang ang kaso ng tigdas sa buong bansa dahil sa bumababang bilang mga nababakunahang bata laban sa tigdas.

Batay sa datos ng DOH, umaabot na sa mahigit 870 ang naitatalang kaso ng tigdas simula Enero 1 hanggang Pebrero 3.

Tatlong beses na mataas ito kumpara sa mahigit dalawang daan at siyamnapung (290) kaso na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Habang nasa labing dalawa (12) naman ang nasawi dahil sa tigdas na karamihan ay galing sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Soccsksargen.

Muli iginiit ng DOH na napipigilan ang pagkalat at pagkahawa sa tigdas sa pamamagitan ng bakuna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with