^

Police Metro

Bagong batch ng OFWs mula Kuwait, nakauwi na sa bansa

Danilo Garcia - Pang-masa
Bagong batch ng OFWs mula Kuwait, nakauwi na sa bansa
Ayon kay Brigido Dulay, deputy administrator ng OWWA, bibigyan din ng hotel accommodation ang mga OFW hanggang makauwi sila sa kani-kanilang pro­binsya.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Dumating sa Pilipinas kahapon ng umaga ang panibagong batch ng overseas Filipino workers mula sa Kuwait na nag-avail ng amnesty program ng gobyerno.

Lumapag kahapon 6:33 ng umaga ang isang eroplano ng Philippine Airlines galing Kuwait lulan ang 117 OFWs.

Sinalubong sila ng mga kinatawan ng Overseas Workers Welfare Admi­nistration (OWWA) at ina­butan ng P5,000 cash assistance at dagdag na P5,000 cash assistance mula sa Department of Foreign Affairs.

Ayon kay Brigido Dulay, deputy administrator ng OWWA, bibigyan din ng hotel accommodation ang mga OFW hanggang makauwi sila sa kani-kanilang pro­binsya.

Handa ring magbigay ng livelihood at educatio­nal assistance ang OWWA para sa mga nais magtayo ng negosyo o kaya’y magpatuloy ng kanilang pag-aaral.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

OWWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with