Impeach Morales malabo na-Kamara
MANILA, Philippines — Inihayag ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na huwag nang ituloy ang impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio Morales bagkus isulong pa rin ang pagpapatalsik kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Anya, wala nang sapat na panahon ang Kamara at praktikal para isulong pa ang impeachment complaint laban kay Morales na nakatakdang magretiro sa Hulyo 2018 dahil magiging abala na sila sa pagsusulong nang impeachment kay Sereno at sa pagsusulong ng federalism.
Magugunita na noong Disyembre 13 ng nakaraang taon ay inihain ang impeachment complaint laban kay Morales, subalit wala kahit isang miyembro ng Kamara ang nag-endorso ng petisyon ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) dahil sa umanoy inilabas ni overall Deputy OmbudsmanArthur Carandang ang bank record ni Pangulong Duterte na umanoy may basbas niya.
- Latest