^

Police Metro

Presyo ng petrolyo muling tataas

Danilo Garcia - Pang-masa
Presyo ng petrolyo muling tataas
Sa pagtataya ng mga eksperto, naglalaro sa P.30 hanggang P.40 sentimos kada litro ang maaaring itaas sa presyo ng diesel at kerosene.
File

MANILA, Philippines — Inaasahan ang muling pagtaas sa presyo ng petrolyo sa bansa sa ikalawang linggo ng 2018 makaraang ianunsyo ng Department of Energy (DOE) ang panibagong galawan sa presyo nito sa merkado.

Sa pagtataya ng mga eksperto, naglalaro sa P.30 hanggang P.40 sentimos kada litro ang maaaring itaas sa presyo ng diesel at kerosene.

Posible naman na walang paggalaw sa presyo ng premium, unleaded at regular gasoline ngunit kung magkakaroon man ay napakaliit o nasa P.5 sentimo lang kada litro.

Idinahilan ng DOE ang panibagong price hike ay base sa galawan ng presyo ng krudo sa internasyunal na merkado.  Nakadagdag pa dito ang mas mataas na konsumo sa petrolyo ng mga bansa sa Kanluran dahil sa nararanasang matinding paglamig partikular sa Estados Unidos.

Inaasahan naman na ipatutupad ang bagong galawan sa Martes matapos na tantiyahin ang pinal na price adjustment sa cut-off nitong nakaraang Biyernes.

Samantala, posibleng mas malaking pagtaas ang maranasan ng mga motorista sa petrolyo ngayong darating na linggo. 

Sinabi ni DOE Assistant Secretary Bodie Pulido na may ilang kumpanya ng langis ang gusto nang ipatupad ang “excise tax” dulot ng TRAIN sa Enero 10 o 11 dahil sa ubos na umano ang kanilang lumang stock ng petrolyo.

Sa kabila nito, sinabi ni Pulido na kukumpirmahin muna nila na ubos na nga ang stock ng mga kumpanya ng langis bago hayaan ang mga ito na magpatupad ng malaking pagtataas.

vuukle comment

DOE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with