^

Police Metro

‘Pahalik’ sa Black Nazarene dadagsain ngayon

Pang-masa
�Pahalik� sa Black Nazarene dadagsain ngayon
Iniayos na kahapon ng mga manggagawa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga plastic barriers bilang paghahanda sa tradisyunal na “Pahalik” sa Itim na Nazareno ngayong araw sa Quirino Grandstand sa Maynila bago ang idaraos na traslacion bukas.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Libu-Libong debotong Kristiyano ang inaasa­hang daragsa ngayong araw para sa “Pahalik” sa Itim na Na­zareno sa Quirino Grandstand sa Maynila, o isang araw bago idaos ang traslacion patungong Quiapo Church bukas, Enero 9. 

Kahapon, tinatayang nasa 600 replicas ng Itim na Nazareno ang bitbit ng mga deboto matapos na makiisa sa ginanap na prosisyon sa Quiapo Church sa Maynila.

Ang 600 replica ng Na­zareno ay binasbasan bilang paghahanda sa gagawing traslacion o aktuwal na prusisyon ng imahe ng Black Nazarene ngayong Martes.

Mas lalong hinigpitan ang seguridad sa Maynila lalo na sa lugar na pagdarausan ng traslacion kung saan mahigit 5,000 pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipakakalat.

Una nang inihayag ni NCRPO chief, Director Oscar Albayalde na bawal sa mga pulis na magte-text habang naka-duty upang magampanan ang kanilang tungkulin.

Sa kabila nito, sinabi ni Albayalde na wala pa silang natatanggap na anumang banta ng terorismo o pananabotahe sa traslacion. Mahigpit ding ipinagbabawal na tambayan ang Jones Bridge sa traslacion.

Ayon kay Manila City Disaster Office Director Johnny Yu, ipagbabawal na ang pagtambay ng mga deboto na maghihintay sa pagdaan ng andas ng Itim na Nazareno sa Jones Bridge.

Pansamantalang isasara ang tulay at pagdating ng andas ay kanila itong bubuksan para tuluy-tuloy ang andar.

Magsisimula ang pru­sisyon sa Quirino Grandstand patungong simbahan ng Quiapo. Mayroon namang inilagay na 26 medical stations sa mga dadaanan ng traslacion  na siyang magbibigay ng agarang atensyong medikal sa mga deboto na makakaranas ng pagod sa buong prusisyon.

vuukle comment

NAZARENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with